Magtatay, pinagbabaril ng sariling kaanak matapos pagbintangang mangkukulam

527

Negros Occidental – Patay ang isang tatay kasama ang kanyang anak matapos umanong pagbabarilin ng sarili nilang kaanak nitong Linggo.

Ayon sa report ng Binalbagan Police, nangyari ang insidente habang nagtitinda ng baboy ang magtatay na kinilalang sina Crisanto Espante Sr., at Crisanto Jr.


Nasa gilid daw sila ng kalsada sa kanilang barangay nang may dumating na apat na kalalakihan.

Bigla raw nagpaulan ang mga ito ng bala ng baril na agad ikinamatay ng mag-ama.

Napag-alaman na ang dalawa sa mga suspek ay magkapatid at kaanak ng mga biktima.

May galit daw ang pamilya nito dahil sinisi nila ang mag-ama na umano’y nangkulam sa kanilang padre de pamilya kaya ito nasawi.



Habang pinaghahanap pa ang mga ito ay narekober ang apat na bala ng kalibre .45 na baril sa pinangyarihan ng insidente.


Facebook Comments