Manila, Philippines – Pinayuhan ni Sen. Dick Gordon ang mga Department of Health (DOH), Public Attorney’s Office, at iba pang concerned agencies na magsama-sama sa pag-iimbestiga sa isyu ng Dengvaxia.
Giit ni Gordon, mayroong pananagutan ang gobyerno sa isyu lalo’t hindi naipaliwanag ng DOH sa mga magulang ang mga pwedeng mangyari sa mga batang binakunahan ng Dengvaxia.
Hindi rin aniya nakuha ng mga bata ang tamang proteksyon laban sa dengue.
Aminado naman si PAO Chief Atty. Persida Acosta na mahirap makipag-tulungan sa DOH dahil ilan sa mga ito ay kasama sa kanilang kakasuhan.
Kasabay nito, nakwestyon naman sa pagdinig ang pag-take over si dating Health Sec. Janette Garin sa Food and Drug Administration o FDA at pagbili ng bansa ng mga bakuha na hindi bagong gawa.