Maguindanao at iba pang karatig lalawigan, hinigpitan na rin ang seguridad kasabay ng pagbababa ng hatol sa Maguindanao Massacre Case

Pinaigting na ang seguridad sa Maguindanao at iba pang mga katabing lalawigan bilang pahahanda sa pagbababa ng hatol sa Maguindanao Massacre Case.

Ayon kay Police Regional Office 12 Spokesperson, Lt/Gen. Lino Capellan, naka-alerto na ang kapulisan sa anumang magiging reaksyon sa ilalabas na hatol ngayong araw.

Matatandaang ilang miyembro ng maimpluwensyang pamilya ampatuan ay kabilang sa 101 indibidwal na inakusahan ng multiple murder kaugnay sa pagpaslang sa 58 katao noong nov. 23, 2009.


Kabilang sa mga babasahan ng hatol ay sina Andal Ampatuan Jr., Sajid Ampatuan, at Zaldy Ampatuan.

Ang kanilang ama na si dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr. na isa sa mga akusado ay namatay na noong 2015.

Facebook Comments