Masayang ibinalita ni Maguindanao-Integrated Provincial Health Office Chief Dra. Elizabeth Samama na nag-negatibo na sa COVID-19 ang nag-iisang confirmed Positive covid-19 patient sa lalawigan.
Isinagawa ang repeat test sa pasyente noong April 20 kung saan negative na ito sa COVID-19. Dahil dito, sinabi ni Dra. Samama na ang Maguindanao ay covid-19 free na.
Matapos naman na magnegatibo na sa naturang karamdaman ang pasyente ay nagsasailalim pa rin sa 14 day mandatory home quarantine at matamang minomonitor pa nila.
Sa usapin naman ng PUMs o Persons Under Monitoring sa lumang klasipakasyon, sinabi ni Dra. Samama na 99% na sa bilang na 2, 477 mula buwan ng Marso 16 hanggang sa kasalukuyan ang nakatapos na ng 14 day home quarantine.
Ang PUIs o Persons under Investigation na suspect case na sa bagong klasipikasyon, inihayag ni Dra. Samama na dalawa na lamang ang sumasailalim sa home quarantine.
Bunsod nito, sinabi nito na maituturing na mabisa ang mga pagsisikap nila kasama ang LGUs at frontliners sa paglaban sa COVID-19.
Pinasalamatan naman ni Dra Samama ang lahat ng mga Health Workers sa lalawigan maging ang security sector lalo ang Provincial Government ng Maguindanao sa tulong ng mga ito at naging matagumpay ang paglaban sa Corona Virus sa Maguindanao.