Maguindanao Government nakiisa sa laban kontra Polio

Pinangunahan mismo ni Maguindanao Governor Bai Mariam S. Mangudadatu kasama si Provincial Health Officer Dra. Elizabeth Samama ang kick- off ceremony ng Sabayang Patak Kontra Polio sa probinsya.

Isinagawa ang aktibidad sa bayan ng Datu Odin Sinsuat.

Target ng Maguindanao Government katuwang ng IPHO na mapatakan kontra Polio ang nasa 196 na libong kabataang nagkakaedad ng limang taong gulang pababa sa 36 na bayan.


House to House o sa mga Brgy. Health Stations ang gagawing pagpatak sa mga kabataan.

Kaugnay nito hinihikayat ni Governor Bai Mariam ang mga magulang na makiisa sa kampanya ng pamahalaan na malabanan ang sakit na Polio.

Huwag aniya ito isawalang bahala alang -alang na rin sa kapakanan ng mga kabataan ayon pa sa Ina ng Maguindanao.

Gagawin ito mula July 20 hanggang August 2 .

PGO PIC

Facebook Comments