Maguindanao Government patuloy sa paglaban sa Covid 19, Kalinisan sa Komunidad inaapela ni Governor Bai Mariam

Nagpapatuloy ang mga pagsisikap ng Provincial Government ng Maguindanao sa pangunguna ni Governor Bai Mariam Sangki -Mangudadatu upang malabanan ang Corona Virus Disease .

Kaugnay nito, sa inilabas ng Executive Order # 21 series of 2020 ng Provincial Government Office kasabay ng extension ng Modefied General Community Quarantine sa probinsya muling umaapela ang Gobernadora sa lahat ng kanyang mga kababayan na mariing sundin ang iniimplementang Minimum Health Standard kabilang na ang pagsususot ng facemask , physical distancing at paghuhugas ng kamay.

Hinimok rin nito ang lahat ng mga opisyales ng barangay at LGU na maging malinis sa kani -kanilang mga kapaligiran at komunidad para na rin makaiwas di lamang sa covid-19 maging sa iba pang sakit kabilang na ang Dengue at Polio. Panahon na aniya na ipakita sa sambayan na ang mga Bangsamoro ay malilinis.


Kaugnay nito, abot na sa 45 ang kaso ng Covid-19 sa Maguindanao at karamihan ay mga umuuwing Locally Stranded individuals at Returning Overseas Filipinos.

Sa kabila ng pagtaas ng bilang ng kaso ng Covid-19, bukas palad pa rin ang Maguindanao Government sa pagtanggap sa mga umuuwing LSI at ROF. Sinasabing abot na sa 8000 mga residente ng probinsya ang natulungan ng PGO na makabalik sa kani-kanilang bayan sa probinsya.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments