Maguindanao Government suportado ang Anti-Terrorism Bill

Suportado ng Maguindanao Provincial Government ang panukalang anti-terrorism act of 2020.
Ayon kay Gov. Bai Mariam Sangki-Mangudadatu, ang lalawigan at mamamayan nito ay isa sa mga pinaka-apektado ng terorismo sa bansa, dahil dito, nararapat lang na ang mga opisyales at residente nito ay sumusuporta sa proposed anti-terrorism act.
Dapat suportahan ng Maguindanao ang naturang panukalang batas upang matuldukan na ang takot at pagkabalisa ng Maguindanaons na matagal nang lumiligalig sa kanila.
Batid ng mahigit 800,000 mamamayan sa 36 na mga bayan sa Maguidanao na naging pugad ng terorismo ang probinsya ayon pa kay Gov. Mangudadatu.
Ang pagkakapasa sa nabanggit na panukalang batas ay unang hakbang upang masiguro ang kaligtasan ng mamamayan ng Maguindanao kung saan namukadkad ang mga dayuhang terorista.
Matatandaan sa Maguindanao nagtago at nagturo ng pagagwa ng bomba si Zulkifli bin Hir sa local jihadists na kalaunay naging mga miyembro ng Islamic State-linked Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Maliban kay Marwan mayroon pang ibang pinaghihinalaang foreign terrorists ang nagtatago sa Maguindanao.
Umaasa naman si Governor Bai Mariam na patuloy namang ipapairal ng mga otoridad ang pagrespeto sa karapatang pantao sa lalawigan.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments