Nagpapatuloy ang inisyatiba ng Maguindanao Provincial Government para makapagbigay ng tulong sa mga umuuwing Locally Stranded Individuals at Returning Overseas Filipinos sa probinsya .
Bukod sa pagsundo sa mga umuuwing LSIs at ROFs mula sa mga paliparan maging sa mga pantalan, at inihahatid sa IPHO Maguindanao upang makapagsailalim sa RT-PCR Test, sinisiguro rin ng PGO base na rin sa direktiba ni Governor Bai Mariam Mangudadatu na hindi magugutoman ang mga ito.
Kahapon , nasa limang daang relief packs ang itinurn over sa Maguindanao Hospital at diretso namang ipinamahagi sa mga LSIs at ROFs.
Pinangunahan ang turn-over ng mga workers mula PDRRMO at Medical Team ng PGO.
Sout ng PPEs ang mga frontliners na syang distribute sa mga LSIs at ROFs para maisiguro rin ang kaligtasan ng mga ito.
Mula ng magsimula ang Balik Probinsya Program at Hatid Tulong Initiatives ng pamahalaan, Higit sa 5000 LSIs at ROFs ang nakauwi na sa Maguindanao at inaasahang madaragdagan pa.
Nagpapasalamat naman si Governor Bai Mariam at IPHO sa suporta ng mga LGU matapos makapagpatayo ng Covid Isolation Center sa kani-kanilang mga bayan.
PGO PIC
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>