Umaapela ngayon si Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu sa kanyang mga kababayan lalo na sa mga nakaattend sa Derby sa Matina sa Davao City noong Marso na isubmit ang mga sarili sa mga health workers.
Layun nito ay upang mamonitor ang kani kanilang kalagayan kasabay na rin ng banta ng Covid 19 at matrace ang kanilang mga nakasalimuha sa nakalipas na mga araw.
Bagaman may mga lumabas ng pangalan na mga taga Maguindanao na maaring nakasali sa Derby , sinasabing wala namang direktang idea ang gobernadora kung sinu sino ang mga ito.
Hinihiling rin ni Gov. Bai Mariam na huwag idiscriminate ang mga ito bagkus ay intindihin para na rin sa kanilang mga kaligtasan at kapakanan ng nakakarami sa lalawigan.
Kaugnay nito ,matatandaang isang indibidwal na ang nagpositibo sa Covid 19 mula sa isang bayan ng Maguindanao at sinasabing kabilang ito sa nakaattend sa derby sa Davao City.
Kasalukuyang nasa maayos na ring sitwasyon ang nasabing pasyente.
Samantala, patuloy naman ang paghahanap sa mahigit limang libong indibidwal mula sa ibat ibang panig ng Mindanao na sinabing kabilang sa mga lumahok sa Derby sa Davao noong nakaraang buwan.
Matatandaang ilang indibidwal na ang namatay na at nagpositibo sa karamdaman mula sa mga sumali sa Derby sa Davao City.
Maguindanao Governor Bai Mariam may apela sa kanyang mga kababayang lumahok sa Derby sa Davao City
Facebook Comments