Maguindanao Governor bumuo ng Monitoring and Investigation Team kaugnay sa nangyaring Explosion sa Datu Saudi Ampatuan

Mariing kinokondena ng Provincial Government Office ng Maguindanao ang nangyaring insidente sa Brgy. Kitango Datu Saudi Ampatuan na nagresulta sa kamatayan ng 2 menor de edad at pagkakasugat ng mahigit isang dosenang sibilyan.
Ikinalungkot rin ni Governor Bai Mariam Mangudadatu ang insidente at naitaon kasabay ng Eidl Fitr Celebration at ang naging biktima ay mga kabataan.
Sinisiguro rin ni GMSM na mabibigyan ng hustisya ang mga naging biktima ng pagsabog at mananagot ang mga may kagagawan.
Kaugnay nito bumuo ang Provincial Government ng Peace Monitoring and Investigation Team para makapagsagawa ng malalimang investigation sa nangyaring pagsabog ng di umanoy bala ng 81mm mortar.
Pangungunahan ang Investigation Team ni Maguindanao Cultural Affairs Office Executive Director Rahib Payapat habang binubuo ito ng mga representante mula AFP, PNP, 5 representative mula Maguindanao Cultural Affairs Office na mga Ustadz,CSO Representative at PGO Representative.

Facebook Comments