Umaapela ngayon si Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu sa pamunuan ng PNP Bangsamoro Autonomous Region lalo na sa PNP Maguindanao na naway laliman pa ang ginagawang imbestigasyon kung sinu- sino ang mga armadong grupo na naghahasik ng kaguluhan sa lalawigan .
Inihayag ito ng Gobernadora sa harap ng libo- libong mga kapulisan ng PRO BAR kasabay ng National Womens Month Celebration na kung saan siya ang naging pangunahing bisita sa okasyon.
Panahon na rin aniya na makilala ang mga grupong ito lalo na ang mga taong nasa likod ng mga ito giit pa ng Gobernadora. “Balikan ang nakaraang mga pangyayari kung kinakailangan” apela ni Bai Mariam sa S2 o Intelligence Officer ng PNP para matukoy lalo na ang mga supporters ng mga ito.
Inihalimbawa ng Gobernadora ang sitwasyon ngayon sa mga boundaries ng Ampatuan at Datu Hoffer. Bagaman hindi direktang inihayag na maaring mga Private Armed Groups ang mga ito at maaring alaga rin ng ilang Politiko iginiit naman ni GMSM na imposible aniyang mga myembro o dating myembro ng anu mang Moro Front ang mga armadong nagkukuta sa nabanggit na lugar.
Kaugnay nito, umaasa pa rin ang Goberndora na muling makikilala ang lalawigan ng Maguindanao hindi dahil sa kaguluhan o karahasan kundi sa pagkakaroon ng Mapayapa at Maunlad ng lalawigan.
Bukas rin aniya ang Provincial Government sa mga naghahangad na magbalik loob na mga dating armado. May nag-aantay rin aniyang simpleng pangkabuhayan para sa mga ito para makapagsimula sa kanilang bagong landas.
Ang pagkakaroon aniya ng “Peace, Unity, Reconcialation at Empowerment o PURE” ang isa sa susi para makamit ang Makabagong Maguindanao dagdag pa ni GMSM.