Maguindanao magdiriwang ng 2nd Inaul Festival

Handa na ang Provincial Government ng Maguindanao kasabay ng papalapit ng 2 nd Inaul Festival na magsisimula sa susunod na mga araw.

Inilatag na rin ang ibat ibang mga aktibidad na inaasahang magiging makulay at magbibigay ng kasayahan sa lahat ng mga mamayan ng lalawigan.

Magsisimula ang weeklong celebration sa pamamagaitan ng isang motorcade sa February 5 at susundan ng pagbubukas ng Inaul Trade Expo na naglalayung maipakita ang talento sa paggawa ng Inaul ng mga taga Maguindanao. Tema ng selebrasyon ay “ A Fabric of Peace: Weaving Divesrity, Connecting Boundaries”.


Habang sa Feb 8, isasagawa ang festival parade at masusundan na ng ibat ibang mga programa, kabilang na ang Palamata Nu Maguindanao .

Inaasahang magiging bisita rin sa okasyon ang bandang Siakol, , 6 Cycle Mind, Hale, Madeline, Mayonaise, Silent Sanctuary, Rocksteady, Ex Battalion at inaasahang magiging host ng Palamata si Miss World 2013 Megan Young.

Kaugany nito iniimbetahan ni Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu ang lahat na makisaya sa Inaul Festival na magtatapos sa araw ng mga puso February 14.

PGO Mag Pics



Facebook Comments