Maguindanao Massacre Suspek arestado, kasama nito napatay sa operasyon!

Arestado ang isang suspect sa nangyaring November 23, 2009 Maguindanao Massacre sa bayan ng Shariff Aguak habang napatay naman ng mga otoridad ang isa nitong kasamahan matapos umanoy manlaban.
Sa report mula PNP Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, kinilala ang naaresto na si Gambayan Kasim AKA Lori Alip, 47 years old at residente ng Shariff Aguak.
Naaresto ito sa ikinasang operasyon pasado alas onse kahapon ng umaga sa Brgy. Timbangan ng nanbanggit na bayan.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang hand grenade.
Samantala, napatay naman sa operasyon ang kasama ni Kasim na si Edsrail Guiomla AKA NAS Guiomla. Nauna umanong magpaputok ng kanyang kalibre kurentay singko si Guiomla sa mga operatiba resulta ng gantihan ito ng putok. Sinasabing Dead on Arrival sa hospital si Guiomla.
Kasalukuyang nasa pangangalaga na ng PRO BARMM ang naarestong suspek.
Ito na ang ikalawang matagumpay na operasyon ng PNP laban sa mga pinaghahanap na mga suspeks na sangkot sa malagim na trahedya na naitala sa Sitio Masalay Brgy Salman Ampatuan noong 2009.mula ng maibaba ang hatol sa ilang mga suspeks noong December 19 2019.
Unang naaresto si Kagi Faisal Dimaukom sa Datu Saudi Ampatuan noong nakaraang araw.
GOOGLE PIC

Facebook Comments