Isinagawa kanina sa kapitolyo sa Buluan ang turn over ceremony para sa bagong Administrasyon ng Maguindanao.
Nanguna sa okasyon si Maguindanao 2nd District Congressman Esmael Mangudadatu na nagtapos sa kanyang tatlong termino bilang Governor ng lalawigan.
Pormal namang tinanggap ni Ali Sangki, ama ni Incoming Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu at Incoming Provincial Administrator Odjie Balayman ang “Key of Responsibility” para sa bagong liderato ng lalawigan.
Bisita at sumaksi sa okasyon si Western Mindanao Command Commander MGen Cirilito Sobejana at Incoming 6th ID Commander BGEN Diosdado Carreon.
Nakatakda namang gagawin ang Mass Oath Taking ng mga bagong halal na opisyal ng lalawigan sa July 2 sa kapitolyo sa Shariff Aguak.
Nauna na ring inihayag ni GMSM na magsisilbi ito ng Tapat at Nararapat sa Maguindanao.