Pormal ng tinanggap at nanumpa ang 435 na mga bagong guro na nakatakdang ideploy sa Maguindanao Schools Division 2 ang kani kanilang mga appointments.
Nanguna mismo sa mass oath taking ceremony na isinagawa sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex sa ARMM Compound si Governor Mujiv Hataman kasama sina Deped Armm Secretary Atty Rasol Mitmug Jr at Bai Mariam Kawit, SDS ng Mag 1 Division.
Lubos naman ang pagpapasalamat ng mga bagong guro matapos makita at mahawakan na ang kani kanilang mga appointments habang di rin maiwasan ng iilan na maluha matapos makamit ang matagal ng inaantay na posisyon .
Hinimok naman ni SDS Kawit ang mga bagong guro na gampanan ng mahusay ang ipinagkatiwalang tungkulin sa kanila alang alang na rin para sa kapakanan ng mga mag aaral mula ng ikalawang distrito ng lalawigan.
Samantala ilan rin sa mga eskwelahan na nasa ilalim ng Mag 1 Division ay patuloy na nahaharap sa ibat ibang challenges kabilang na ang man- made at natural calamities.
Sa ngayon, higit tatlong libong teaching forces na ang naidestino sa Maguindanao 1 Division.
Kahapon abot rin 330 ang na mga bagong guro mula sa Maguindanao 2 Division ang nauna ng lumahok sa mass oath taking.
BPI ARMM Pic