Maguindanao nagdiriwang ng ika 45th Founding Anniversary

Nagsimula na ang weeklong na pagdiriwang ng ika 45th Founding Anniversary ng lalawigan ng Maguindanao.

Tema ng okasyon ngayong taon ay “ PAGTUTULUNGAN SUSI SA KAUNLARAN”.

Sinimulan ang okasyon ng mga programa noong November 8 at inaasahang magtatapos ito sa November 22.


Sinasabing ginawang mas simple ang founding anniversary ngayong taon, at kabilang sa magiging highlight sa November 22 ang gagawing symbolic graduation ng mga nagbalik loob na dating mga elemento ng Bangsamoro Islamic Freedom Figthers na sumailalim sa serye ng skills trainings.

Pagkakalooban ng livelihood packages ang mga sumukong dating mga myembro ng BIFF.

Inasahan rin ang pormal na paglilipat ng mga kawani ng PGO mula sa dating Rajah Buayan Peace Center o Sattelite Provincial Office sa bagong gawang Kapitolyo sa Buluan.

Patuloy naman ang pag-anyaya ng mga opisyales ng Maguindanao sa pangunguna ni Governor Toto Mangudadatu na saksihan at makisaya sa kanilang simpleng pagdiriwang.

Facebook Comments