Maguindanao Officials Suportado ang BOL

Malaki ang paniniwala ni Maguindanao Vice Governor Datu Lester Sinsuat na napakalaking tulong para magkaroon ng pangmatagalang kapayaan di lamang sa ARMM maging sa buong Isla ng Mindanao sakaling tuluyang pumasok na ang bagong panggobyerno ng Bangsamoro Region.

Malaki aniya ang naimbag sa usaping pangkapayaan ang naging pakikipag usap ng pamahalaan at ng Moro Islamic Liberation Front .

Kaugnay nito hinimok ni Vice Governor Sinsuat ang kanyang mga kababayan na suportahan ang gagawing plebisito kaugnay sa isinusulong na Bangsamoro Organic Law.
Nauna na ring nagpaKanduli o Thanksgiving ang bayan ng Datu Odin Sinsuat noong nakaraang linggo matapos na lagdaan ng Pangulo ang BOL. Ang DOS ay kilalang balwarte ng mga Sinsuat sa Maguindanao.
Matatandaang nauna na ring nagpakita rin ng kanyang pagsuporta si Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu sa BOL.


Facebook Comments