Maguindanao Old Capitol gagawing Covid-19 Isolation Center

Kasalukuyang inaayos para gawing Covid 19 Isolation Center ang dating Kapitolyo ng Maguindanao na nasa Shariff Aguak.

Itoy base na rin sa naging direktiba ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.

Bunsod na rin sa patuloy ng pagdami ng mga umuuwing LSI at ROF na nagbabalik probinsya mula sa ibat ibang bahagi ng ating bansa.


Sinasabing mahigit 100 ang bed capacity nito.

Sa impormasyon, mahigit pitong libong LSI at ROF na ang natutulungan ng Maguindanao Government na nakaavail ng balik probinsya program ngunit inaasahang madaragdagan pa ang bilang ng mga ito.

PGO Pic
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments