Maguindanao Province at 14 nitong LGU Achiever ng SGLG 2019

Lubos ang kasiyahan ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki- Mangudadatu sa pagkakapasa hindi lamang ng Provincial Goverment Office maging ng labing apat na mga Local Government Unit ng lalawigan sa SGLG o Seal of Good Local Governace ngayong taon.
Ang natamong “Pagkilala sa Katapatan at Kahusayan ng Pamahalaang Local” mula Department of Interior and Local Government ay indikasyon lamang na Tapat at Matinong pagsiserbisyo ng PGO at ng mga LGU.
Ito ang kauna- unahang pagkakataon bilang 1st Term Governor na nakakamit ng SGLG Award si Bai Mariam ngunit Hall of Famer na bilang Local Chief Executive ng Datu Abdullah Sangki Town.
Pinuri rin ng Gobernadora ang mga LGU sa Maguindanao na nagpamalas ng natatanging paninilbahan sa kanilang mga kababayan at naging achiever ngayong taon ng SGLG.
Kabilang na ang mga LGU ng Buldon , Barira, Matanog, Sultan Kudarat, Sultan Mastura, South Upi, Upi, Guindulungan, Shariff Aguak, Datu Abdullah Sangki, Datu Piang, Datu Paglas, Kabuntalan, at Paglat.
Kaugnay nito, hinihimok naman ni Governor Bai Mariam ang lahat ng LGU sa Maguindanao na idoble pa ang mga pagsisiskap alang alang na rin sa kapakanan ng kani kanilang mga kababayan.
Samantala inaasahang gagawin ang SGLS Awarding sa Manila Hote sa November 5 at inaasahang mismong si Pangulong Rody Duterte ang mangunguna sa okasyon.

Facebook Comments