Maguindanao Rep. Sema – Itinangging Sangkot Sa Davao Blast Ang Kanyang Anak

6

MANILA – Itinanggi ni Maguindanao Rep. Bai Sandra Sema na sangkot ang kanyang anak sa nangyaring pambobomba sa lungsod ng Davao nitong Setyembre.Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, nakausap niya ang mambabatas kaugnay nito.Hindi naman matukoy ni Alvarez kung may kinalaman sa pulitika ang pagdawit sa anak ni Sema na si Datu Mohamad Abdul Jabar Sema sa pambobomba sa Davao night market na ikinamatay ng 15-katao.Sa tingin ni Alvarez – malabong sangkot ang nakakabatang sema na anak ni dating Cotabato City Mayor Muslimin Sema na isa sa mga lider ng Moro National Liberation Front.Kaugnay nito – kinumpirma kahapon ng militar at ng pulisya na isa sa mga utak ng pagsabog sa Davao si Sema.Sinabing naaresto ng mga otoridad sa Malaysia si Sema nitong Nobyembre pero- kinukumpirma pa ito ni PNP Chief Ronald Dela Rosa.

Facebook Comments