Handang bumaba sa pwesto si Maguindanao Rep. Toto Mangudadatu kung hindi magiging ‘guilty’ ang hatol ng Korte sa mga akusado ng Maguindanao Massacre.
Ngayong araw na ibababa ang hatol sa karumal-dumal na krimen sa kasaysayan ng bansa na kumitil sa 58 buhay.
Kabilang dito ang siyam na kaanak ni Cong. Mangudadatu, anim niyang tagasuporta, tatlong abogado, dalawang van driver, 32 kawani ng media at anim na nadamay lang sa lugar.
Nakakatiyak si Mangudadatu na papanig sa kanila ang hatol sa kaso.
Pero sa oras na paboran ng Korte ang mga ampatuan na pangunahing akusado sa kaso ay handa si Mangudadatu na magbitiw.
Aminado ang mambabatas na sa loob ng higit isang dekada ay sumagi sa kanyang isip na maghiganti, pero mas minabuti niyang ipaubaya sa Korte ang pagkamit ng hustisya.