Maguindanao Vice Governor personal na nagpaabot ng tulong sa Iranun Towns

Personal na tinungo at nagpaabot ng tulong sa Iranun Towns ng Maguindanao si Vice Governor Datu Lester Sinsuat.

Kasama nito ang mga dumptruck na lulan ng sako-sakong bigas bukod pa sa mga PPEs ang ipinamahagi ni VG Sinsuat.

Una nitong tinungo noong weekend ang mga bayan ng Matanog at Barira, habang ngayong umaga ang bayan ng Buldon.


Lubos namang nagpapasalamat ang mga LGU na nakatanggap ng karagdagang ayuda mula sa Provincial Government.

Tinitiyak naman ni Buldon Mayor Abolais Manalao na maipamamahagi ang lahat ng bigas sa kanilang mga kababayan.

Sa Buldon, naka ilang beses ng nakapamahagi ng ayuda sa lahat ng mga pamilya, halos lahat ng sector ay nakatanggap na rin ng rasyon maging ang pinakasulok- sulukang bahagi ng bayan, base na rin sa direktiba ni Mayor Manalao.

Facebook Comments