Magulang ng 2 estudyanteng pinatay ni Sanchez, handang harangin ang kanyang napipintong paglaya

Duda ang mga ina ng dalawang estudyante ng U.P. Los BaƱos na pinatay ni dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez kung paano ito posibleng makalaya sa kabila ng karumaldumal na krimen.

Nabatid na gahasain at patayin si Eileen Sarmenta habang pinahirapan saka pinaslang si Allan Gomez noong 1993.

Ayon kay ginang Clara Sarmenta, ina ni Eileen ā€“ may mga abogado na silang kinakausap para pigilan ang napipintong paglabas ni Sanchez.


Sinabi naman ni ginang Iluminada Gomez, ina ni Allan ā€“ duda sila sa pahayag ng Bureau of Corrections (BuCor) na maaaring hindi masama si Sanchez sa mga palalayain.

Tiniyak ng mga magulang nina Eileen at Allan na patuloy silang lalaban para masigurong hindi mabubura ang ibinigay na hustisya sa kanilang mga anak.

Facebook Comments