Malay, Aklan – Ipinatigil muna ng lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan ang pamimigay ng mga barangay ID’s sa mga residente ng Boracay.
Ito ay matapos mauwi sa siksikan at gulo ang pagkuha ng mga residente ng ID’S sa mga barangay hall sa isla.
Ayon kay Rowen Aguierre, Executive Assistant ni Malay Mayor Ciceron Cawaling, may kakulangan sa guidelines o patnubay ang pamamahagi ng ID’s kaya ipinahinto muna ito.
Habang susuriin namana niya ng Bureau of Immigration ang mga dayuhang nakatira sa Boracay.
Magsisilbi ang ID’s na patunay nang mga residente na maaaring silang manatili sa isla sa loob ng anim na buwang pagpapasara na magsisimula sa Abril 26.
Kasabay nito, tiniyak ni Budget Secretary Benjamin Diokno, na may pondo ang gobyerno para sa mga maapektuhang manggagawa at negosyante sa isla.
Tiwala naman si Tourism Secretary Wanda Teo na matatapos ang rehabilitasyon ng Boracay sa loob lang ng apat na buwan.
Aniya, hihigpitan na ang mga rekisito sa mga itatayong gusali kapag muling nagbukas ang Boracay.