Manila, Philippines – 2017 nang umpisahan ng Department of Transportation o DOTr ang jeepney modernization program at target tapusin sa Hulyo 2020 pero hanggang ngayon ay nasa 2% pa lang nito ang nagagawa.
170,000 ang mga jeepney na gustong ipa-phase out ng DOTr para palitan ng mga makabagong jeepney pero 575 units pa lang ang naipautang sa mga driver at lagpas 1,200 pa lang ang susunod na batch.
Giit ni Senate minority leader Franklin Drilon, hodgepodge o magulo ang nabanggit na programa ng DOTr.
Puna naman ni Senator Imee Marcos, masyadong mataas ang standard ng DOTr para sa mga gusto nitong ipalit sa kasalukuyang mga jeepney.
Nais ng DOTr na euro4 compliant o may euro-4 engines at solar panel na bubungan ang magiging bagong jeepney na nakabatay sa international standards para mabawasan ang carbon emission.
Diin ng mga senador, suportado nila ang modernisasyon pero hindi anila ito makatotohanan at hindi naplano nang husto.