Mahabang bakasyon, dapat gamitin para sa voters’ registration – COMELEC

31

Manila, Philippines – Nagpaalala ang Commission on Elections (COMELEC) sa publiko na gamitin ang mahabang holiday para sa voters registration.

Ayon kay COMELEC spokesperson James Jimenez – gamitin itong panahon para magparehistro.

Aniya, bukas ang mga tanggapan ng COMELEC mula Lunes hanggang Sabado mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Ang poll body ay magsasagawa ng off-site o satellite registration sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Ang voters’ registration ay magtatagal hanggang November 30.

Facebook Comments