Mahabang balotang gagamitin sa 2019 elections, asahan na

Mas mahaba ang balotang gagamitin sa May 13 midterm elections bunsod ng maraming bilang ng kandidato.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez – ang balota sa nalalapit na halalan ay mas mahaba ng pitong pulgada kumpara noong May 2016 elections.

Tinatayang nasa 22 hanggang 24 inches ang haba ng balota habang noong 2016 elections nasa 17 inches lamang ang haba ng balota.


Ani Jimenez – marami kasing kandidato ang tumakbo sa nalalapit na eleksyon kaya humaba ang balota.

Ang 24-hour printing ng mga balota ay posibleng magsimula na bukas, February 2.

Base sa final list ng mga kandidato, nasa 63 ang senatorial candidates habang nasa 134 ang party-list groups.

Facebook Comments