Dapat ikonsidera ng pamahalaan na palawigin pa ang mga ginagawang hakbang o interventions para mapabagal ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Kabilang sa mga interventions ay ang pagpapatupad ng curfew, liquor ban at localized lockdowns.
Ayon kay OCTA Reserch Fello Dr. Guido David, titingnan nila ang mga datos kung mayroong pagbagal sa paglobo ng kaso ngayong linggo.
Iniiwasan lamang aniya na mapuno muli ang kapasidad ng healthcare facilities at hindi mapagod ang mga healthcare professionals.
Sakaling walang nakitang pagbaba ng mga kaso, sinabi ni David na hindi pa sapat ang mga ginagawang hakbang para dito.
Sa pagtaya ng OCTA Research Group, posibleng sumampa sa 10,000 hanggang 11,000 ang kaso ng COVID-19 sa buong bansa sa katapusan ng Marso.