Nanawagan ang Department of Health (DOH) sa mga operator ng mga sinehan na maglaan ng mahabang oras para sa disinfection kapag binuksan na ang mga sinehan sa susunod na buwan.
Ayon kay DOH Knowledge Management and Information Technology Service Director Dr. Eric Tayag, mahalagang bawasan ang bilang ng palabas upang mayroong oras para maglinis at magdisinfect ng sinehan.
Inihalimbawa ni Tayag ang simbahan kung saan mayroong isinasagawang disinfection sa pagitan ng mga misa.
Bukod dito, dapat mayroong pagitan ng dalawang oras ang palabas.
Hindi rin papayagan ang full capacity sa mga sinehan bilang bahagi ng health protocols.
Facebook Comments