Suspendido ang overnight o long-term parking sa lahat ng parking areas sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) simula sa Biyernes, December 28 hanggang January 3.
Paliwanag ng Manila International Airport Authority (MIAA), ito ay dahil sa mabigat na bilang ng mga sasakyang pumapasok sa paliparan ngayong holiday season.
Anila, papayagan pa rin naman ang mga sasakyan na gumamit ng pay parking areas pero para lamang sa limitadong oras.
Muli namang ibabalik ang long-time parking sa January 4, 2019.
Facebook Comments