Magiging mahaba ang ika-apat na State of the Nation Addresses (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang inihayag ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar sa interview ng RMN Manila.
Ayon kay Andanar, kulang ang isang oras para ilahad ni Pangulong Duterte ang mga nagawa niya sa bansa, maging sa mga susunod pang tatlong huling taon ng kanyang termino.
Kabilang aniya sa mga ilalahad ng Pangulo sa kanyang SONA ay ang usapin sa poverty elimination, peace and order at infrastructure projects.
Hindi naman mabatid ni Andanar kung uulitin ni Duterte ang usapin sa war on drugs, isyu sa West Philippine Sea, anti-criminality and corruptions.
Facebook Comments