Mahabang pila at iba pang isyu sa implementasyon ng National ID Law, dapat resolbahin agad ng gobyerno

Pinareresolba agad ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ang mga isyung pumipeste sa National ID System or PhilSys Act na nagpapabagal sa implementasyon nito.

Pangunahing mga problemang binanggit ni Lacson ang kontrobersiya sa awarding of contracts sa outsourcing ng supply and services, pagbagsak ng website ng Philippine Statistics Authority (PSA) kaya pahirapan ang pagpapa-rehistro online at mahabang pila ng mga aplikante.

Ayon kay Lacson, kung hindi mareresolba ang nabanggit na mga isyu ay mabibigong makamit ang layunin ng National ID System.


Kabilang dito ang mas mahusay na paghahatid ng serbisyo sa publiko, mas episyenteng revenue collection at epektibong paraan ng paglaban sa corruption at kriminalidad.

Diin ni Lacson, 2018 pa naisabatas ang PhilSys Act at kung hindi ito maipapatupad nang mabilis ay masasayang ang pagkakataon na maiangat ang buhay ng mamamayang Pilipino sa mas maraming paraan sa pamamagitan ng National ID System.

Facebook Comments