Mahabang pila sa check-in counters, nararanasan na sa NAIA 3 departure area sa harap ng pagdagsa ng malaking volume ng mga pasahero

Nagkakaroon na ngayon ng mahabang pila sa check-in counters sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 3 departure area.

Sa harap ito ng pagdagsa ng mga pasaherong patungo sa mga lalawigan at sa iba’t ibang bansa.

Sa kabila nito, nananatili namang maluwag ang pila sa Immigration counters matapos ang pagbubukas ng fast lanes sa NAIA 3.

Sa pagtaya ng New NAIA Infra Corporation (NNIC), aabot ng hanggang 157,000 kada araw ang bilang ng mga pasaherong dadagsa sa NAIA terminals ngayong Semana Santa.

Ito ay lalo na’t bukod sa mga pasaherong uuwi sa mga lalawigan, tuloy-tuloy rin ang pagdagsa ng mga turistang patungo sa tourist destinations sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Sa kabuuan, 1.18 million na mga pasahero ang inaasahang dadagsa sa NAIA hanggang sa Easter Sunday, April 20

Ayon sa NNIC, kahit sa mismong Biyernes Santo ay inaasahan pa rin nila ang malaking volume ng mga pasahero sa NAIA.

Facebook Comments