Mahabang pila sa immigration counters sa NAIA, inerereklamo

81

Manila, Philippines – Inirereklamo na naman ang mahabangpila sa immigration counters sa Ninoy Aquino International Airport.
  Bumalik na naman kasi ang mahabang pila sa mgaimmigration counters dahil sa kakulangan ng immigration officers na naka-duty.
  Matatandaang nangako na noong nakaraang buwan ang mgaimmigration officer kay Manila International Airport Authority Manager EdMonreal na magiging sapat na ang mga papasok na immigration personnel paramaiwasan na ang pagkakaantala ng operasyon sa paliparan, pero mukhang hindi itonatupad.
  Nagsimula ang naturang problema sa naia immigrationcounters matapos ipatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ngovertime pay sa mga immigration officers.
  Ayon kay port operations division head Red Mariñas,marami sa kanilang tauhan ang naghahanap na ng extra jobs para matugunan angkakulangan sa kanilang income.
 

Facebook Comments