MAHAL NA BILIHIN | Mga mamimili sa Balintawak Market, kaniya-kaniya na ring diskarte

Manila, Philippines – Natuto na ring dumiskarte ang mga mamimili sa palengke sa harap ng pagtaas ng pangunahing bilihin.

Sa Balintawak Market sa QC, isa sa mga namimili ay si Alu Jane Taoc.

Ayon kay Taoc, ang budget nila 150 pesos per meal ay hindi na ngayon nagkakasya para sa limang miyembro ng pamilya.


Aniya, bagama’t mas malaki ang sahod na naiuuwi, malaki din aniya ang lumalabas na pera dahil sa nagmamahalang bilihin.

Hindi na aniya sila nag iimbak ng pagkain. Kung ano lamang ang budget sa bawat meal, pagkakasyahin na lamang.

Dahil sa pagmahal ng mga bilihin, mga nahiwa-hiwang gulay na lamang ang kanilang binibili upang mapagkasya ang dati nilang budget .

Patingi-tingi na rin ang pagbili ng karne.

Malimit, lutong ulam na lamang ang kanilang binibili, ibat-ibang putahe na kasi ang mabibili sa halagang 30 pesos na puwede na silang maghati.

Facebook Comments