MAHAL NA PRESYO NG PATABA AT ILANG MGA FARM INPUTS, SULIRANIN NG ILANG MAGSASAKA SA LALAWIGAN NG PANGASINAN

Suliranin ng ilang magsasaka mula sa iba’t-ibang bayan sa lalawigan ng Pangasinan ang mataas na presyo ng mga pataba ngayon maging ang mga farm inputs na kanilang kinakailangan upang maging maayos ang pagtanim at pag-ani ng mga produkto.
Sa ilang sakahan sa bayan ng Mangaldan, problema ang pampatubig lalo na at nararanasan na ngayon ang epekto ng El Nino dulot nito ang madaling pagtuyo ng mga tinanim na mga binhi kaya naman mainam ang libreng daloy ng patubig ng irigasyon na inihanda na Municipal Agriculture Office ng bayan.
Sa bayan naman ng Pozorrubio, ilang mga magsasaka rin ang may saloobin sa nagtataasang mga farm inputs ngayon kaya’t nahihirapan umano ang mga ito sa sistema ng kanilang pagsaka, bagamat handa naman umano ang lokal na pamahalaan dito na gawin ang mga hakbanging susuporta sa kanila.

Ang mga magsasaka naman sa bayan naman ng Umingan, Rosales at Balungao, pisang problema ang mahal na presyo ng pataba at alinsunod dito ay naipamahai rin ang Fertilizer Discount Voucher sa mga magsasaka sa nasabing bayan sa ilalim ng National Rice Program ng Department of Agriculture.
Samantala, matatandaan na kailan lamang ay inilunsad din ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang Provincial Corporate Farming Program na may layong maging kaagapay ang programang ito ng mga magsasaka upang mabawasan ang gastos sa produksiyon habang patuloy na mina-maximize ang paggamit ng production inputs, farm machinery, maging ng appropriate packaging technologies.
Suportado rin ng tanggapan ng ikaanim na distrito ng Pangasinan ang mga programang tutulong sa mga magsasaka sa nasasakupan nito. |ifmnews
Facebook Comments