MAHAL NA PRESYO NG PATABA, PROBLEMA NG ILANG MAGSASAKA SA LALAWIGAN NG PANGASINAN

Problema ng ilang magsasaka sa lalawigan ng Pangasinan ang mahal na pataba, gayundin ang mataas na konsumo sa krudo na pinanggagamit sa patubig partikular sa bayan ng Mangaldan.
Alinsunod dito ang pamamahagi ng lokal na pamahalaan sa Mangaldan ng fertilizer discount voucher sa mga magsasaka ng nasabing bayan na naglalayong makatulong sa mga kakailanganin sa kanilang pagtatanim at pagsasaka.
Halos dalawang libo at limang daang mga magsasaka ang nakatanggap ng fertilizer voucher na magagamit nila sa pagbili ng mga fertilizer sa mga accredited supplier ng Department of Agriculture.

Samantala, nasa higit walong milyong piso ang kabuuang halaga ng 2023 dry season fertilizer vouchers na nagmula sa Department of Agriculture (DA) Region 1 at inaasahan din ng ahensya ang mataas na produksyon ng palay sa bayan. |ifmnews
Facebook Comments