Umalma si ACTS-OFW Partylist Rep. John Bertiz sa napakamahal na remittance charges sa mga bangko.
Ayon kay Bertiz, inaasahan na tataas pa sa $29. 8 Billion ang cash na maipapadala ng mga OFWs ngayong taon na mas mataas ng 3% kumpara sa $28.9 Billion noong 2018.
Pero bago makapagremit ang mga OFWs ng $29.8 Billion ngayong 2019, kinakailangan na aabot s $3.2 Billion ang maipadala ng mga OFWs dahil sa mataas na remittance charges.
Batay sa periodic Remittance Prices Worldwide Report ng World Bank sa 1st quarter ng 2019, ang bangko ang nananatiling pinakamahal na service provider na may charging average na 10.90% na mas mataas sa remittance charge ng postal offices na nasa 7.26%, money transfer operators na nasa 6.06% at mobile money transfer na nasa 2.92%.
Kung magagawang tapyasan ng kalahati ang remittance charge, magkakaroon ng extra $1.6 Billion o P83. 2 Billion ang maipapadala ng mga OFWs sa kanilang pamilya sa Pilipinas.
Maaari itong makatulong pandagdag sa pinansyal na gastusin sa pagaaral ng mga anak, panghulog para sa health at life insurance o kaya ay pagiipon para makapagsimula ng maliit na negosyo.