Gagawa ng isang resolusyon ngayon ang Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan para sa Department of Transportation (DOTR) at National Inter Agency Task Force (IATF) bilang pag-apela sa mahal na singil ng North Luzon Express Terminal o NLET sa mga bus companies na siyang nagiging dahilan kung bakit hanggang sa ngayon ay wala pa ring biyaheng National Capital Region.
Ayon kay Alexander Briones, operations manager ng isang bus company na dumalo sa sesyon ng Sangguniang Panlalawigan, isa sa mga inilatag ng IATF upang makabalik operasyon ang mga ito ay ang paggamit sa North Luzon Express Terminal sa Bocaue, Bulacan ngunit aabot umano sa 100, 000- 150, 000 ang bayad isang slot ng bus.
May sarili umanong terminal ang mga naturang bus companies na mayroong mga pasilidad na akma sa nararanasang pandemya at stiktong sumusunod sa minimum health standard na naaayon sa IATF.