Inihayag ng Inter-Agency Task Force (IATF) na magsasagawa sila ng imbestigasyon tungkol mahal na singil sa RT-PCR test ng ilang ospital sa Metro Manila at Rizal.
Batay sa nakarating na ulat sa IATF, naglalaro sa pagitan ng P6,000 hanggang P12,000 ang presyo ng nasabing test para sa mabilis na resulta.
Giit ni IATF Vice-Chairman at Cabinet Secretary Karlo Nograles, labag ito na itinakdang price cap ng Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI) sa RT-PCR test sa mga ospital.
Sa nasabing price cap, P3,800 lamang ang presyo ng nasabing test sa mga pampublikong ospital at P4,500 – P5,000 sa mga pribadong ospital at testing centers.
Aniya, hindi dapat inaabuso ng ilang ospital ang COVID-19 tests at idiniin na ang mabilis na resulta ay pawang palusot lamang.