MAHALAGA ANG PRESENSYA | Welfare attaché sa Kuwait, pinapadagdagan ni Senator Angara

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Sonny Angara na dagdagan ang Social Welfare Attachés o SWA sa ibayong dagat lalo na sa mga bansa kung saan may mga Overseas Filipino Worker o OFW na may mga kaso at nakakaranas ng pagmamaltrato.

Sa impormasyon ni Angara ay mayroon lamang apat na SWA ang Department of Social Welfare and Development.

Nakapwesto ang mga ito sa Riyadh at Jeddah sa Saudi Arabia, gayundin sa Kuwait at Malaysia.


Sa pagkakalaam ni Angara ay plano ding maglagay ng SWA sa Dubai, Qatar at Hong Kong pero kulang pa rin aniya ang nga ito.

Paliwanag ni Angara, kahit may mga magagaling na abogado sa ating mga embahada at batikang eksperto sa lokal na regulasyon, ay mahalaga pa rin ang presensya ng SWA na syang magkakaloob ng psychosocial care sa mga OFW na biktima ng trafficking at pag-abuso.

Facebook Comments