Tuesday, February 24, 2026

MAHALAGANG AMBAG NG MGA HEALTH WORKER SA ALAMINOS CITY, KINILALA SA GAWAD KADAYWANAN EPIDEMIOLOHIYA

Kinilala ang mahalagang ambag ng mga health worker sa Alaminos City sa ginanap na Gawad Kadaywanan Epidemiolohiya bilang pagpupugay sa kanilang dedikasyon sa pagbabantay at pagtugon sa mga usaping pangkalusugan sa komunidad.

Sa naturang pag-gawad, pinarangalan ang mga Barangay Epidemiology and Surveillance Team na nanguna sa masusing disease surveillance, maagap na pag-uulat, at mabilis na aksyon laban sa mga banta sa kalusugan ng mamamayan.

Tinanghal na First Place ang Barangay Palamis, sinundan ng Barangay Balayang bilang Second Place, at Barangay Magsaysay bilang Third Place.

Dumalo rin ang mga kinatawan ng lokal na pamahalaan upang ipahayag ang suporta at pasasalamat sa mga frontliner sa kalusugan.

Pinangunahan ng City Health Office ang seremonya bilang pagkilala sa patuloy na pagsisikap ng mga barangay health teams na mapanatiling ligtas at malusog ang lungsod.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ang pagkilalang ito ay patunay ng kahalagahan ng sama-samang pagkilos sa pagsusulong ng isang mas matatag at episyenteng sistemang pangkalusugan para sa lahat. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments