MAHALAGANG MAHULI | Cong. Bernos, may pabuya sa makakahuli sa suspek sa pagsabog sa Abra

Manila, Philippines – Magbibigay ng pabuya si Abra Rep. Joseph Bernos sa makakahuli o makapagtuturo sa may kagagawan ng pagsabog sa fiesta ng La Paz sa Abra na ikinasawi ng dalawang pulis.

Isang milyong piso ang reward o pabuya na ibibigay sa makakaaresto o makakahuli sa suspek sa pagsabog.

Iginiit ni Bernos na mahalagang mahuli ang suspek ng buhay upang malaman ang motibo nito.


Nagbanta pa si Bernos na bilang na ang mga araw ng mga suspek at tiniyak nitong bibigyan ng hustisya ang mga nadamay sa pagsabog.

Kasama si Bernos at ang asawa nitong si Abra Mayor Menchie Bernos sa pagsabog kung saan nasawi sina PO3 Carlos Bocaig na nakaligtas sa Mamasapano incident at si PO2 Frenzel Kitoyan.

Facebook Comments