Kinilala sa ginaganap na League of Corporate Foundation EXPO 2024 ang mahalagang papel ng radio stations sa panahon ng kalamidad.
Partikular sa paghahatid ng tulong ng foundations sa mga liblib na lugar na walang internet service at sa transistor radio lamang nakadepende ang mga mamamayan.
Sinabi ni Cenen Milan, Jr., Operations and Mobilization Manager for the Corporate Citizenship Division ng Ayala Foundation, na sa panahon na matindi ang pinsala ng kalamidad ay mahalaga ang papel ng radyo.
Inihalimbawa din ni Milan ang partnership ng RMN Foundation at ng Ayala Foundation noong hagupitin ng Super Typhoon Rolly ang Catanduanes noong taong 2020 kung saan namahagi ang dalawang foundations ng solar transistor radio units sa mga naapektuhang residente.
Ang RMN Foundation ay kilala sa pakikipagsanib-puwersa sa iba pang foundations sa paghahatid ng serbisyo-publiko.
Ang RMN Foundation din ay limang taon nang lumalahok sa CSR EXPO ng League of Corporate Foundation.