Mahalagang papel ng mga ina ng tahanan, kinilala ng Absolute Distilled Water ngayong buwan ng mga ina

Kinilala ng Absolute Pure Distilled Drinking Water ang mahalagang papel ng mga nanay ngayong nalalapit na ang pagdiriwang ng Mother’s Day.

Sa kanilang event para sa mga ina ng tahanan, nag-imbita ng mga duktor na resource persons ang absolute para magbigay ng tips sa mga nanay para mai-guide sila kung paano mas mapapagaan ang mga responsabilidad ng isang ina at maybahay.

Unang nagsalita ang General Pediatrician na si Dr. Joanna Pamela Cuayo-Estanislao kung saan nagkaroon din ng question and answer portion na nilahukan maging ng mga ama o haligi ng tahanan at ng Facebook viewers.


 

Kabilang din sa Speaker si Dr. Ma. Kathryn Ongoco Perez na isang Obstetrician and Gynecologist kung saan nagpaalala siya sa mga nanay na dapat ay magkaroon sila ng hobby para magkaroon sila ng oras sa sarili.

Mahalaga rin aniyang mag-usap-usap sa oras ng pagsasalo-salo sa hapag-kainan.

Sa nasabing event, nagkaroon din ng pagkakataon ang mga bisitang ina ng tahanan na makapaglikha ng sarili nilang bouquet gamit ang mga bulaklak na inihanda ng Absolute Pure Distilled Drinking Water.

Facebook Comments