Maharlika Investment Corporation, itinangging konektado sa dayuhang financier na sangkot sa fraud scandal

Mariing itinanggi ng Maharlika Investment Corporation (MIC) ang ulat na may kaugnayan umano sa kanila ang British-Swiss financier na si Patrick Mahony, na nahatulan sa multi-bilyong dolyar na fraud case.

Sa opisyal na pahayag, iginiit ng MIC na ang kanilang operasyon ay naaayon sa batas at pinamumunuan ng mga kwalipikado at may integridad na propesyonal sa board at management team.

Bawat investment decision umano ay dumaraan sa maingat at transparent na proseso para matiyak na ito ay ligtas, makabubuti sa bansa, at tugma sa pandaigdigang pamantayan.

Hinimok din ng MIC ang mga online at media outlets na naglabas ng anila’y maling ulat na maging responsable sa pagbabalita at agad itama o bawiin ang mga maling impormasyon.

Pinaalalahanan naman ng MIC ang publiko na huwag basta maniwala sa mga kumakalat na balita online.

Facebook Comments