Maharlika Investment Corporation, target mamuhunan sa sektor ng enerhiya

Suportado ni Maharlika Investment Corporation (MIC) president and chief executive officer Rafael Consing Jr. ang panukala ni Speaker Martin Romualdez na mamuhunan ang MIC sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.

Ayon kay Consing, ang NGCP ay backbone ng power system ng Pilipinas kaya naman ang katatagan nito ay hindi maihihiwalay sa economic at social well-being ng bansa.

Sa suhestyon ni Romualdez, naniniwala itong ang pamumuhunan ng MIC sa NGCP ay makatutulong sa pag-upgrade ng energy infrastructure at magpapababa ng singil sa kuryente.


Sang-ayon dito si Consing dahil sa potensyal na mapalakas ang sektor ng enerhiya na magbibigay-daan sa maliwanag na hinaharap.

Dapat aniyang maging katuwang ang MIC sa pagtugon sa mga hamon sa enerhiya sa Pilipinas.

Ilan sa nakikitang benepisyo nito ang mababawang halaga ng kuryente, at mas maaasahan at matatag na grid na magpapalakas rin sa mga komunidad.

Una nang naiulat na nakaranas ng halos apat na araw na blackout ang mga Isla ng Panay at Guimaras maging ang ilang bahagi ng Negros.

Facebook Comments