Maharlika Investment Fund, ibinida ng pangulo sa mga Saudi business leaders sa Riyadh, Saudi Arabia

Nagpapatuloy si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbida sa Maharlika Investment Fund (MIF).

Sa mensahe nito sa isinagawang rountable meeting sa Riyadh, Saudi Arabia, ibinida nito sa mga Saudi business leaders ang Maharlika Investment Fund na kauna-unahang sovereign investment fund ng Pilipinas.

Layunin aniya nito ay magkaroon ng long- term economic development sa pamamagitan ng pagpaparami ng investments sa mga high impact sectors sa Pilipinas.


Naniniwala si Pangulong Marcos, na kapwa magbebenepisyo ang Pilipinas at Saudi Arabia kapag nahikayat ang mga Saudi business leaders na mag-invest sa Maharlika Investment Fund.

Matatandaang sa departure message ng pangulo sa Pilipinas kahapon, ay tiniyak nitong magiging operational ang Maharlika Investment Fund bago matapos ang taong ito.

Samantala mamayang 9:25 ng umaga, oras sa Riyadh, habang pasado ng ala-una ng hapon sa Pilipinas ay dadalo ang pangulo sa ASEAN Gulf Cooperation Council (GCCC) Proper.

Pagkatapos nito ay makikipagkita ang pangulo sa Filipino Community, kasunod ay kapihan kasama ang media bago ba-biyahe pabalik ng Pilipinas mamayang gabi.

Facebook Comments