Kumpiyansa si National Economic Development Authority o NEDA Secretary Arsenio Balisacan na malaki ang mai-aambag ng Maharlika Investment Fund para matulungan ang iba’t ibang sector.
Ayon kay Sec. Balisacan, natukoy naman na sa Philippine Development Plan o PDP 2023-2028 ang mga sektor na kailangang mabigyan ng ibayong pagtutok ng pamahalaan na siyang bahagi ng pag-unlad.
Sinabi pa ng NEDA chief na sa panahon ngayon na unti-unting bumabangon ang bansa mula sa epekto ng pandemiya, mahalaga ang pagkakaroon ng isang pondong maaasahan para masustenahan ang mga programa at proyekto
Binigyang diin pa ni Balisacan, magkakatuwang naman ang economic managers ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa pagbuo ng mga polisiyang magpapatibay sa pagtataguyod ng Maharlika Investment Fund.
Kasalukuyan na rin aniyang tinatalakay ng mga economic manager sa dalawang kapulungan ng Kongreso ang naturang usapin para sa ganap na pagsasabatas nito.