Maharlika Partylist isinusulong ang pagiging middle class ng lahat ng Pinoy.
Isinusulong ng Maharlika Partylist ang pagiging middle class ng lahat ng Pilipino.
Layon ng grupo na pataasin ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagiging entrepreneurs.
“Itaas ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino sa pamamagitan ng Maharlikang pag-iisip at pagkatao na magsusulong ng mga programang lilinang sa kasanayan, kabuhayan at kaunlaran ng lahing Pilipino,” ayon sa partylist.
Sinabi ni Alvin Sahagun, first nominee ng nasabing partylist na nais ng kanilang grupo nagawing negosyante ang mga Pilipino.
“Ang adbokasiya namin is nago-open kami ng awareness sa mga tao na kailangan silang mag-negosyo kailangan nilang matutong tumayo sa sarili nilang paa lalo na sa gobyerno o sa ibang tao,” aniya ni Sahagun.
Nais din ng partylist na magbigay ng pantay na oportunidad sa mga katutubo at makabagong Pilipino.
Isinusulong din nito na mapagyaman ang talento ng Pilipino, edukasyon at kakayahan sa pamamagitan ng libreng pagsasanay ayon sa kanilang pangangailangan.
“Pagtataguyod sa pagkakakilanlan, kasaysayan at kultura ng Makarlikang Pilipino bilang pundasyon ng tuloy-tuloy na pag-unlad ng mamamayan,” dagdag pa nito.